12 Panukalang batas prayoridad ng Kamara na pagtibayin sa pagbabalik sesyon ng Kongreso
Matapos ang mahigit isang buwang bakasyon balik sesyon na ngayong araw ang Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na 12 pangunahing panukalang batas ang pagtutuunan ng pansin ng mga kongresista na mapagtibay bago ang muling bakasyon ng mga mambabatas sa March 24, ng taong kasalukuyan.
Inihayag ni Romualdez na kinabibilangan ito ng mga sumusunod na panukalang batas;
- Enactment of Enabling Law for the Natural Gas Industry
- Amendments to the Electric Power Industry Reform Act o EPIRA
- Unified System of Separation, Retirement and Pension for Uniformed Personnel
- E-Government Act
- National Land Use Act
- National Defense Act
- National Government Rightsizing Program
- Budget Modernization Bill
- Departmen of Water Resources Act
- Establishing the Negros Island Region
- Magna Carta for Filipino Seafarers
- Establishment of Regional Specialty Hospitals
Ayon kay Romualdez ang nalalabing priority bills ng Marcos Jr. Administration ngayong 19th Congress ay pawang may kinalaman sa economic recovery program ng pamahalaan mula sa epekto ng pandemya ng COVID 19.
Vic Somintac
Please follow and like us: