Register anywhere project ng Comelec umarangkada sa mababang kapulungan ng Kongreso
Nagsimula na ang tatlong araw na Register Anywhere Project o RAP ng Commission on Elections o COMELEC sa House of Representatives para sa mga magpaparehistro at magpapa-activate ng kanilang registration para makaboto sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan elections ngayong taon.
Ang Register Anywhere Project sa Kamara ay nagkabisa matapos lagdaan nina House Speaker Martin Romualdez at COMELEC Chairman George Garcia ang isang Memorandum of Understanding.
Pinasalamatan ni Speaker Romualdez ang COMELEC dahil dinala na mismo sa Kamara ang voters registration upang hindi na mahirapan ang mga empleyado ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pagpaparehistro.
Maliban sa mga empleyado ng Mababang Kapulungan ng Kongreso pinapayagan din na makapagparehistro ang mga naninirahan sa palibot ng Batasan Complex na kuwalipikado ng bomoto na makapagparehistro hanggang sa araw ng Biyernes January 27 ng taong kasalukuyan.
Vic Somintac