Dalawang sasakyan para sa anti-drugs operations sa airports, ipinagkaloob ng US gov’t sa PDEA
Tumanggap ng dalawang sasakyan mula sa gobyerno ng US ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa international anti-drug operations nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at Clark International Airport.
Sinabi ng US Embassy na nagkakahalaga ng Php 2.1 million ($39,400) ang mga behikulo.
Ang donasyon ay mula sa Bureau of International Narcotics and Law Enforcement Affairs (INL) ng U.S. Department of State
Ayon sa embahada, makatutulong ang mga sasakyan sa mga hakbangin ng PDEA para mapigilan ang pagpasok at paglabas sa mga paliparan ng illegal drugs at sangkap na ginagamit sa paggawa ng ipinagbabawal na gamot.
Partikular na aagapay ang mga sasakyan sa mobility ng mga otoridad at paghahatid ng narcotics-detection dogs sa parehong airports.
Moira Encina