Programa para sa VAT refund ng mga dayuhang turista sa Pilipinas aprubado na ni PBBM
Simula sa 2024, pwede nang magrefund ng Value Added Tax (VAT) ang mga dayuhang turista na nagtutungo sa bansa.
Ito ay matapos aprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang implementasyon ng VAT refund program.
Sa ilalim nito, puwedeng makatanggap ng refund ang mga dayuhang turista sa kanilang binibiling produkto sa Pilipinas.
Layon nitong makahikayat ng mas maraming turista na bumisita sa bansa.
Vic Somintac
Please follow and like us: