Legal at financial na tulong naibigay na ng gobyerno sa pamilya ni Jullebee Ranara ayon sa OWWA
Nakatakda ng ilibing sa linggong ito ang pinatay na OFW sa Kuwait na si Jullebee Ranara.
Ayon kay Overseas Worker Welfare Administration Arnel Ignacio, sa linggo ang libing ni Ranara sa Golden Haven Memorial Park sa Las Pinas City.
Sinabi ni Ignacio nakiusap umano ang pamilya ni Ranara na maging pribado ang libing ni Jullebee.
Inihayag ni Ignacio bilang aktibong miyembro ng OWWA naibigay na ang lahat ng tulong kabilang dito ang death benefits maging ang burial assistance sa pamilya ni Ranara kasama ang lahay ng mga legal na hakbang upang makakakuha ng hustisya ang pamilya.
Maliban dito naibalik na ang suplay ng kuryente ng pamilya matapos na ilapit mismo kay Pangulong Bongbong Marcos ng tatay ni Ranara ang kanilang problema.
Binanggit ni Ignacio na natupad din ang pangarap ni Jullebee na sariling bahay para sa kanyang pamilya matapos tiyakin ng pamilya Villar na bibigyan ng bagong bahay ang pamilya Ranara.
Tiniyak ni Ignacio na lalo pa umanong palalakasin ng OWWA ang kanilang hotline services upang mabilis na maaksyunan ang mga reklamo at hinihinging tulong ng OFWs maging na kanilang mga pamilyang naiwan sa Pilipinas.
Vic Somintac