Inflation rate sa bansa ngayong Enero lalo pang lumobo sa 8.7 percent ayon sa PSA
Tumaas pa ang antas ng inflation rate sa bansa nitong Enero ng taong kasalukuyan batay sa report na inilabas ng Philippine Statistics Authority o PSA.
Sinabi ni National Statistician Undersecretary Dennis Mapa na pumalo sa 8.7 percent ang January 2023 inflation rate sa bansa mataas ng point 6 percent kumapara sa December 2022 inflation rate na 8.1 percent
Ayon kay Mapa pangunahing nagpabilis sa inflation rate sa bansa ang pagtaas ng presyo ng housing na may kinalaman sa renta ng bahay na umabot sa 5.0 percent inflation, bayad sa tubig 6.1 percent, bayad sa kuryente 22.2 percent at presyo ng fuel 30.5 percent sa diesel at 9.6 percent sa gasolina.
Inihayag ni Mapa nagpalobo din sa inflation rate sa bansa ang mataas na presyo ng pagkain at iba pang non alcoholic beverages 10.7 percent ang restaurants at accommodation services 7.6 percent at transportation 11.2 percent.
Niliwanag ni Mapa na mas mataas ang inflation rate na naitala ngayong Enero 2023 kumpara sa 3.0 percent noong Enero 2022 dahil sa pagbubukas na ng maraming negosyo kaya tumaas ang demands lalo na sa pagkain at serbisyo.
Binigyang diin ni Mapa na binabantayan ng PSA ang galaw ng presyo ng pagkain dahil ito ang inaasahang magpapabilis o magpapabagal sa inflation rate ng bansa sa mga susunod na buwan.
Vic Somintac