Video games, ano ang kinalaman nito sa oral health at glaucoma?
Alam ba ninyo na may kinalaman ang glaucoma sa problema sa ngipin o kahit sa gilagid, at kahit kapag naglalaro kayo ng video games? Ayon sa American Glaucoma Society, may kaugnayan ang glaucoma sa oral health.
Ang tooth nerves ay konektado sa mata. Ang mata, ngipin sa ibaba at ngipin sa itaas ay isa lamang ang nerve. Kaya talagang directly connected. Kapag may problema sa ngipin o may infection, puwedeng umakyat sa mata. Maaari itong maging sanhi ng pressure. Sa lahat ng problema sa mata, dapat tingnan din ang oral health.
Alam n’yo ba na malaki ang impact ng walang ngipin sa ating mata? Malaking pressure ito, kahit kapag pudpod ang ngipin. Kung nuon kapag sinabi glaucoma problema lamang ng mga matatanda, ngayon hindi na. Kahit ‘yung nasa early 30s may problema na sa glaucoma. Bakit ? ito ay dahil sa maraming pinanggagalingan ang glaucoma, maaaring dahil sa stress, teeth grinding o teeth clenching.
Kapag binigyan mo ng sobrang pressure ang mata, mauuwi sa glaucoma. Paano nagkakaroon ng pressure? Puwedeng dahil sa maling kagat. Kapag mali ang kagat, malakas ang untog sa mata. Nagga-grind sa gabi, malakas din ang untog sa mata. Ibig sabihin, dahil sa lakas ng pressure na ibinibigay sa mata nagkakadamage ang optic nerve.
Eto pa, kasali din sa dahilan kung bakit nagkaka-glaucoma ay smoking, diabetic, at lifestyle.
‘Yung mga mahilig na maglaro ng video games na laging nanggigigil. Ang inaaplay na pressure dahil sa games ay napupunta sa mata.
Tandaan na ang sahig ng mata ay ang upper teeth natin. Nagkakaron ng lack of oxygenated blood sa mata kaya tiyak na makakaapekto sa circulation kapag nangigigil. Lagi kong sinasabi, gigil means pigil. Kapag naipit ang ugat, paano na ang blood supply? Kapag nagkaroon ng sobrang pressure, magkakadamage sa optic nerve.
Sana ay nakatulong itong topic natin tungkol sa kaugnayan ng glaucoma at oral health.