Tatlo patay sa shooting incident sa Michigan campus
Nagbaril sa sarili ang gunman na nakapatay ng tatlo katao at nakasugat ng limang iba pa sa isang US university campus, kasunod ng malawakang manhunt ng pulisya.
Libu-libong mga mag-aaral sa Michigan State University (MSU) ang inutusang magtago sa kanilang kinaroroonan, matapos marinig ang mga putok ng baril sa isang campus building na ikinasawi ng dalawa.
Tumakbo ang gunman sa students’ union, kung saan nakapatay siya ng isa pa, na nag-udyok ng isang malaking police operation habang dinumog naman ng mga pulis ang 5,000 ektaryang campus.
Kinumpirma ng pulisya na bago maghatinggabi matapos ang insidente, ay nagbaril din sa sarili ang hinihinalang MSU gunman na lugar na hindi kalayuan mula sa unibersidad.
Sinabi ni Deputy Chief Chris Rozman ng university police force, “We are sad to report that there have been three confirmed fatalities. This is in addition to the five victims who were injured and transported to the hospital. Some of those five victims still have life-threatening injuries.”
Ayon kay Rozman, daan-daang pulis mula sa ilang ahensiya ang sumangkot na sa operasyon upang subukang hanapin ang gunman, at nagpalabas pa sila ng larawan ng isang Black man na nakasuot ng baggy blue jacket, at pulang sapatos.
Aniya, “The suspect in this incident was located outside of the MSU campus. The “suspect” has died from a self-inflicted gunshot wound. This truly has been a nightmare that we are living tonight. We are relieved to no longer have an active threat on campus.”
Kalaunan ay sinabi ng pulisya, na ang lalaki ay walang koneksyon sa unibersidad at walang agad na malinaw na motibo para sa pamamaril.
Sabi pa ni Rozman, “We have no idea why he came to the campus to do this tonight.”
Tumanggi ang pulisya na magbigay ng detalye ng mga biktima, kabilang na ang kung ang mga ito ba ay mga estudyante o faculty members ng universidad, na isa sa top institutions sa Estados Unidos.
Sinabi ng MSU officials na kanselado muna sa susunod na 48-oras ang lahat ng aktibidad sa campus.
Humigit-kumulang 50,000 estudyante ang naka-enroll sa MSU, karamihan sa mga ito ay undergraduates, ayon sa website ng unibersidad.
Libu-libong katao ang namamatay taun-taon sa Estados Unidos matapos mabaril, at maraming iba pa ang nasusugatan.
© Agence France-Presse