Cruise tourism ng Pilipinas, pauunlarin pa– DOT
Target ng Department of Tourism (DOT) na mapadami pa ang bilang ng ports of call o cruise ships na dumadaong sa iba’t ibang pantalan at isla sa bansa.
Noong Miyerkules ay dumaong sa Manila South Harbor ang luxury cruise ship na Silver Spirit Cruise na may lulan na 317 pasahero at mahigit 400 crew.
Sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco na ang cruise tourism ang isa sa mga priority areas of development ng departamento.
Aniya, hangad ng DOT na ang Pilipinas ay maging diverse at attractive na cruise destinations para sa cruise lines na nag-o-operate mula sa mga pangunahing home ports sa Asya.
Sa pamamagitan aniya ng Filipino brand of service excellence ay idi-develop ng DOT ang Pilipinas bilang major regional cruise center sa Asya.
Moira Encina