Fixed broadband internet sa Pilipinas, mas bumilis nitong Enero – Ookla Speedtest

Iniulat ng Ookla Speedtest Global Index ang pagbilis pa ng fixed broadband internet at broadband download speed
sa bansa na naitala nitong Enero.

Sa report ng Ookla, ang median ng fixed broadband speed sa bansa ay tumaas mula sa 87.13Mbps noong Disyembre 2022 ay umakyat na sa 88.13Mbps.

Courtesy: Ookla

Ito ay katumbas ng 26.39% improvement sa download speed mula nang magsimula ang Marcos Administration.

Pero bumaba naman ng .47% ang mobile median speed kung saan mula sa 25.12 mbps noong Disyembre ay nasa 24.59mbps na lang.

Pero kung susumahin, nakapagtala pa rin umano ng 9.05% na improvement sa download speed sa bansa mula noong Hulyo ng 2022.

Tiniyak naman ni National Telecommunications Commission Commissioner Ella Blanca Lopez na patuloy silang naghahanap ng mga hakbang para mas mapabuti pa ang internet speed sa bansa

KumpIyansa ang NTC na sa oras na magsimula na ang operasyon ng “Starlink” sa bansa ay lalo pang bubuti ang internet speed.

Isa pa sa nakatulong umano sa pagganda ng internet service ay ang streamlining at mas mabilis na pag-iisyu ng permits ng mga lokal na pamahalaan para sa pagtatayo ng imprastraktura ng mga telecommunication company.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *