Isang motor tanker lumubog sa karagatang sakop ng Balingawan point sa Naujan, Oriental Mindoro
Bahagyang lumubog ang isang motor tanker habang nasa karagatang sakop ng Balingawan point sa Naujan sa Oriental Mindoro.
Sa ulat ng Philippine Coast Guard, nag overheat ang makina ng MT Princess Empress at dahil sa malalaking alon inanod ito patungong Naujan kung saan ito bahagyang lumubog.
Ang MT Princess Empress ay galing sa Bataan at patungo sanang Iloilo, mayroon itong 20 crew at may sakay na 800 libong litro ng industrial fuel oil.
Nailigtas naman ng foreign vessel na MV EPES ang 20 tripulante na nasa maayos ng kondisyon.
Agad ring rumesponde ang PCG at dineploy ang kanilang BRP Melchora Aquino at isang airbus helicopter para magsagawa ng monitoring at suriin kung nagkaroon ng oil spill sa lugar.
Madelyn Villar-Moratillo