Pagdinig ng Senado sa isyu ng mga nasayang na bakuna tinapos na
Tinapos na ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagdinig sa isyu ng mga nasayang na bakuna laban sa COVID-19 na nagkakahalaga ng bilyon bilyong piso.
Ayon kay Senador Francisco Tolentino, babalangkas na sila ng committee report at maglalabas ng posibleng rekomendasyon hinggil dito.
Isa aniya sa nakikita nilang rekomendasyon ang pagbibigay ng bond para sa tamang disposal ng mga mag-eexpire na bakuna.
Kailangan rin aniyang maisama sa anumang kasunduan na papasukin ng gobyerno ang probisyon na maaring isauli ang mga biniling bakuna kapag nag-expire na.
Mungkahi naman ng Senador, dapat paigtingin pa rin ang information campaign para malaman ng publiko na mayroon pa ring ongoing vaccination program at hindi masayang ang mga bakuna.
Meanne Corvera