Halos 2,000 human trafficking victims nasagip ng mga otoridad sa unang dalawang buwan ng 2023 –Remulla
Lubhang nakakaalarma na umano ang mga kaso ng human trafficking sa bansa.
Ito ang inihayag ni Justice Secretary Crispin Remulla matapos ang dinaluhang pulong sa Malacañang kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ukol sa sitwasyon ng human trafficking.
Sinabi ni Remulla na aabot sa halos 2,000 Pilipino na biktima ng human trafficking ang nasagip sa unang dalawang buwan pa lang ng 2023.
Karamihan aniya sa mga biktima ng trafficking ay dinadala sa mga bansa sa Timog- Silangang Asya gaya ng Thailand, Myanmar, at Brunei.
Dahil dito, itutuon aniya ng pamahalaan ang laban nito sa human trafficking sa Timog- Silangang Asya.
Batay aniya sa tala ay mga kababaihan ang mayorya ng trafficking victims.
Hinimok ng kalihim ang mga Pinoy na balak magtrabaho sa ibang bansa na mag-ingat at tiyaking lehitimo ang trabaho na alok sa abroad.
Moira Encina