61 tourist sites apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro
Kabuuang 61 tourist destinations ang apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro.
Sinabi ni Department of Tourism (DOT) MIMAROPA Regional Director Azucena Pallugna na apektado rin ang 13 marine protected areas,13 community- based tourist organizations, at 51 tourism establishments sa Mindoro.
Sa ngayon aniya ay nakikipagtulungan ang DOT MIMAROPA sa lahat ng concerned agencies para alalayan ang mga apektadong komunidad.
Ayon pa sa opisyal, handa silang magkaloob ng skills training sa nasa tourism sector sa apektadong lugar
Sa susunod na linggo aniya ay magsasagawa ng assessment at imbentaryo ang DOT MIMAROPA sa tourist attractions sa oil spill affected areas.
Sa tala ng DOT noong 2022, halos 100,000 ang turistang bumisita sa mga apektadong lugar ng oil spill na katumbas ng mahigit P1.16 billion tourism revenues.
Moira Encina