Pagtanggi ni Cong. Teves na bumalik ng bansa, ikukonsidera ng DOJ na pagtakas
Tinawag na “poor excuses” ni Justice Secretary Crispin Remulla ang pangamba umano ni Congressman Arnolfo Teves Jr. sa seguridad sa buhay nito para hindi ito umuwi ng bansa.
Ayon kay Remulla, walang rason para hindi bumalik ng Pilipinas si Teves.
Sinabi pa ng kalihim na ituturing nila na pagtakas o flight ang pagtanggi nito na umuwi sa bansa.
Dagdag pa ni Remulla, may legal maxim na ang flight ay indikasyon ng guilt o pagkakasala.
Nangangahulugan din aniya ito na hindi ito matapang para harapin ang mga reklamo laban sa kaniya.
Moira Encina
Please follow and like us: