Remulla hindi pabor sa panukalang independent commission na magiimbestiga sa war on drugs
Diskumpiyado si Justice Secretary Crispin Remulla sa mga panukala na independent commission para imbestigahan ang mga pagpaslang sa giyera kontra droga.
Sinabi ni Remulla na may kakayanan ang pamahalaan at gumagana ang mga sistema at proseso ng batas.
Binigyang-diin pa ni Remulla na transparent ang Administrasyong Marcos sa imbestigasyon nito sa drug war killings.
Ayon sa kalihim, walang magiging halaga ang gagawin ng iminumungkahing komisyon.
Aminado si Remulla na hindi positibo ang tingin niya sa mga nasabing komisyon na marami nang nagpanukala sa kaniya dahil wala ring napala mula sa mga ito.
Inihalimbawa ng kalihim ang komisyon na nilikha para imbestigahan ang pagpatay kay Dating Senador Ninoy Aquino.
Moira Encina