Mga kuwento sa likod ng mga buto

Hello mga kapitbahay!

Medyo kakaiba ang topic ng kuwentuhan natin for today.

Kasi, isang kapitbahay natin na kumuha ng forensic anthropology program sa Dundee University sa Scotland ang nakakuwentuhan natin sa programa.

Ang tinutukoy ko ay si Edwin Miguel Anadon, kumuha siya ng Bachelor of Science in Biology sa U.P. Diliman pero hindi siya nagtuloy sa medisina.

Ang gusto niya ay forensic anthropology kaya naman laking pasalamat niya ng siya ay makuha sa Chevening Scholarship sa United Kingdom, at makapag-aral sa University of Dundee Scotland, nuong 2021-2022.

Mapalad siya dahil fully funded ito ng U.K. government.

Marami din aniya siyang pinagdaanan na proseso para makapasa at makuha ang scholarship.

Alam po ba ninyo na nasa 2-3 percent lamang ang nakapapasa para sa scholarship?

Marami ang nag-aaplay pero, konti lang ang kinukuha.

Nuong 2021, 34 silang nakuha mula sa Pilipinas na kumuha ng iba’t ibang

program at si Edwin lang ang nagforensic anthropology program.

Pinoy Scientist Edwin MIguel Anadon


Tinanong ko siya bakit nga ba forensic anthropology ang gusto niyang pag-aralan?

Ang sabi niya …. Ang gusto niyang aralin ay buto ng tao o kalansay.

Gusto niyang malaman ang kuwento sa likod ng mga buto.

Nais niyang alamin kung paano kilalanin ang isang tao sa pamamagitan ng mga buto.

Nabanggit din niya na meron ng forensic anthropologist na Pinoy pero nakabase ito sa Hawaii.

May naitayo na itong collection of Filipino bones kaya puwedeng gawing pang research.


Samantala, nabanggit din ni Edwin na ang isang sa challenges ng isang forensic anthropologist lalo na dito sa Pilipinas ay ang kawalan ng opportunities.

At konti lang ang nagkakagusto na kumuha nito.

Kaya nga sobra ang pasasalamat niya nang makakuha siya ng scholarship sa forensic anthropology program sa ibang bansa.

Ang forensic anthropology ay science-based at hindi maaaring magpadala sa biases.

May kasama itong mga imbestigasyon.

Challenging kung paano mapatutunayan ang isang imbestigasyon batay sa science.

Ang ilan sa mga katangian na dapat taglayin ay kailangang masipag at mahusay sa memorization, lalo na sa pagkilala sa mga buto.

Kailangan ay metikuloso sa detalye dahil nakadepende ito sa kalalabasan ng imbestigasyon.

May kamahalan ang tuition sa pagkuha ng forensic anthropology lalo na kung sa ibang bansa ka kukuha nito, higit sa isang milyung piso isama mo pa ang living expenses, etc.

Siyanga pala ang naging thesis ni Edwin sa program ay tungkol sa policies of disaster victim identification o pagkilala sa mga biktima ng sakuna.

Kung paano sila tinitipon o kinukulekta at ina-identify isa-isa.

Dito aniya sa Pilipinas ay hindi pa ito masyadong established at dumedepende tayo sa tulong ng ibang bansa at iba’t ibang organisasyon.

Dagdag pa niya na ang Pilipinas pa naman ang madalas na dalawin ng mga bagyo at lindol, kaya hindi maiiwasan ang malalaking casualties.

Ang Pilipinas ay isang tropical country, kaya, madaling ma-decompose ang bangkay, kaya dapat mabilis na kilalanin.

Kaya nga kung may pagkakataon pa na siya ay makapagpatuloy sa forensic anthropology, gusto niyang magfocus sa decomposition sa tropics o pag-aaral ukol sa pagkaagnas ng katawan sa tropical climate.

Mas mainit o humid, mas mabilis na madecompose kaysa mga bansang malamig o may winter season (mas mabagal ang decomposition ng katawan).

Samantala, dito sa Pilipinas ay may mga nag-ooffer na rin ng undergraduate course ng forensic science gaya ng University of Baguio at University of the Cordilleras.

At kung gusto ninyong mapanuod ang ating interview kay Edwin, puntahan n’yo lang ang Kapitbahay Radyo Agila, March 14 episode, until next time!

a night in London Bridge, Edwin Miguel Anadon
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *