Condonation para sa utang ng mga magsasaka niratipikahan na sa Senado
Niratipikahan na ng Senado ang Bicameral Conference Committee Report tungkol sa panukalang magbubura sa utang ng mga Agrarian Reform Beneficiaries o ARBs (Senate bill 1850 & House bill 6336).
Sa panukala na inindorso ni Senador Cynthia Villar, Chairman ng Committee on Agriculture, makikinabang ang dalawang klase ng Agrarian Reform Beneficiaries.
Kabilang na ang mga ARB na may Agrarian Reform Receivable (ARR) account sa Land Bank at hindi pa nababayaran o hindi pa kumpleto ang bayad ng kanilang amortization sa principal, interest, penalties at surcharges ng kanilang mga lupain.
Pangalawa, ang mga nasa voluntary land transfer scheme at direct payment scheme.
Sinabi ni Villar na sakaling maging batas, aabot sa 57 billion pesos ang condonation na pakikinabangan nang mahigit 600,000 Agrarian Reform Beneficiaries.
Meanne Corvera