Anim suspek sa Degamo killing, dinala sa DOJ ng NBI para sa inquest proceedings
Iniharap sa DOJ ng NBI ang anim na sumukong suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Ang mga suspek ay dating sundalo na sinasabing parte ng grupo na umatake sa bahay ng gobernador noong Marso 4.
Unang sumuko noong nakaraang Biyernes ang isa sa mga ito at ang apat ay noong Lunes sa militar.
Kinumpirma naman ni Justice Secretary Crispin Remulla na may isa pang panibagong suspek na sumuko na kasama sa inquest.
Ang nasabing suspek ay ang sinasabing caretaker ng safe house ng mga pumaslang sa gobernador.
Ipinagharap ng mga reklamong murder, attempted murder at frustrated murder ang mga suspek.
Moira Encina