BOC nasabat ang P 19-M ng smuggled na sigarilyo
Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Davao ang 499 master cases na binubuo ng 24,950 reams ng mga ipinagbabawal na sigarilyo Sta. Cruz, Davao del Sur.
Tinatayang nasa Php 19 milyon ang halaga ng mga naturang kargamento.
Sa report, nagpapatrolya sa gulf ng Davao Coast ang BOC Water Patrol Division (WPD) ng mamamataan ang “MV Amiesha” at ang mga kargamento nito ay natatakpan ng tarpaulin.
Agad na inispeksyon ng BOC ang barko subalit nabigo ang mga tripulante na magpakita ng mga legal na dokumento para sa umano’y smuggled na sigarilyo.
Dahil dito agad na naglabas ng Warrant si District Collector Erastus Sandino Austria ng Seizure and Detention (WSD) laban sa mga smuggled na sigarilyo.
Lalo pang pinaigting ng BOC District XII sa pagpapatupad ng mga prayoridad na programa ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio sa layuning mapigilan ang pagpasok ng anumang uri ng mga smuggled na produkto.