SRA, problemado sa pagre-repack ng 4 na milyong kilo ng nakumpiskang imported na asukal

Aminado ang Sugar Regulatory Adminstration (SRA) na problema ang pagrerepack ng mahigit 4 na milyong kilo ng nakumpiskang imported na asukal upang maibenta sa mga consumer.

Sinabi ni Paul Azcuna, kinatawan ng sugar planters sa SRA Board na malaking hamon ngayon kung papaano ire-repack ang mga nakumpiskang imported na asukal.

Dagdag ni Azcuna na idadaan pa sa bidding ang pagre-repack ng nakumpiskang asukal at maibenta ito sa mga Kadiwa Center gayundin sa mga market retailer na accredited ng Department of Agriculture (DA).

Plano ng SRA na ibenta ang nakumpiskang imported na asukal sa halagang P70/kg sa sandaling mai-repack.

Batay sa price monitoring sa mga palengke naglalaro sa P110 – P120/kg presyo
ng asukal.


Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *