Pilipinas at China muling tatalakayin ang joint oil at gas exploration sa Mayo
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magpupulong sa Mayo
sa Beijing ang Pilipinas at Tsina para talakayin ang pagpapatuloy ng oil and gas
exploration sa pagitan ng dalawang bansa.
Ayon sa DFA, ito ay alinsunod sa joint statement na inilabas ng dalawang bansa
sa state visit sa China ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Enero.
Sa nasabing statement, sinabi na nagkasundo ang Pilipinas at Tsina na ituloy
ang lahat ng diskusyon sa oil and gas development sa South China Sea.
Sinabi ng DFA na ang gaganapin sa Mayo ay preparatory talks.
Tatalakayin sa pagpupulong ang terms of reference (TOR) at parameters para sa
oil and gas exploration.
Tiniyak naman ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo kay Senador Francis
Tolentino na magbibigay ng updates ang DFA ukol sa nasabing isyu.
Una nang sinabi ng senador na dapat kasali ang Senado sa pagsisimula muli ng
negosasyon ng dalawang bansa.
Moira Encina