Water interruption sa mga customer ng Maynilad, magtatagal pa
Posibleng magtagal pa ang nararanasang water interruption sa mga lugar na
sine-serbisyuhan ng Maynilad na maaaring umabot ng hanggang 19 na oras.
Kasunod ito ng pagtanggi ng National Water Resources Board (NWRB) sa hiling
ng water concessionaire na itaas sa 52 cubic meter per second ang alokasyon
ng kanilang share sa Angat Dam.
Sinabi ni Jennifer Rufo, Corporate Communications head ng Maynilad na
hanggang April 15 ay mananatili pa rin sa 50 cubic meter per second ang
alokasyon sa kanila ng NWRB.
“With an increase of allocation, sana inaasahan natin na madadagdagan ang
raw water supply na natatanggap natin sa novalichez sa ngayon po ay kulang
talaga,” dagdag ni Rufo.
Ang hirit na dagdag alokasyon ng Maynilad ay para maabot din ng supply ang
mga highly-elevated at malalayong service area gaya sa bahagi ng Caloocan
City at Cavite.
Paliwanag ni Rufo, may ginagawang hakbang ang concessionaire para
makapagbigay ng sapat na supply ng tubig gaya ng nanggagaling sa Laguna
Lake ngunit kailangan pa ang karagdagang water treatment plant.
Dagdag ni Rufo dahil sagad na mula sa Laguna Lake, tuwing nagkakaroon ng
maintenance activities ay hindi maiiwasan ang service interruption.
“We’re building a new tretment plant water available by the end this year hindi
na po kailangang makaranas ng service interruption yung mga customer sa
South,” dagdag pa niya.
Tiniyak naman ng Manila Water na walang mangyayaring water interruption sa
mga sini-serbisyuhan ng water concessionaire.
Mahigit 90 porsyento umano kasi ng raw water requirements para sa Metro Manila
mula sa Angat Dam ay sapat pa.
Meanne Corvera