GSIS, maglalabas ng pensiyon ng mas maaga sa schedule

UMID releasing for GSIS pensioners (File photo)
Photo: pna.gov.ph

Inanunsiyo kagabi ng Government Services Insurance System (GSIS), na matatanggap na ng kanilang 562,000 pensioners ang kanilang pension bago mag-holiday sa linggong ito.

Sinabi ni GSIS president at general manager Wick Veloso, na sa halip na ang karaniwang e-crediting sa ikawalo ng bawat buwan, ang mga pensiyon ay ilalabas na ngayong Miyerkules.

Aniya, “We know that our retirees need their pension early as most commercial establishments will be closed during the Holy Week. Semana Santa is one of the most important religious occasions in our country and we want our pensioners to prepare for it without having to worry about their necessities.”

Sinabi pa niya na nakita ng GSIS ang pangangailangan ng maagang pagpapalabas sa pensiyon, dahil ang mga ahensiya ng gobyerno ay sarado na simula ngayong hapon ng Miyerkoles, April 5 hanggang April 10.

Ang GSIS ay naglalabas ng pension sa elektronikong paraan sa pamamagitan ng Unified Multi-Purpose ID (UMID) card o temporary electronic card (eCard), na inisyu ng Land Bank of the Philippines o ng Union Bank of the Philippines.

Sa ngayon, maaari pa ring gamitin ng GSIS pensioners and members ang GSIS Touch Mobile app upang tingnan ang kanilang records, at mag-apply para sa loans at claims saan man at anumang oras.

Ang mga pensiyonado ay maaari ring magpa-schedule ng kanilang Annual Pensioners Information Revalidation, kung saan ang lahat ng matatanda at survivorship pensioners ay kinakailangang personal na magtungo sa alinmang opisina ng GSIS, o sa pamamagitan ng GSIS kiosk sa buwan ng kanilang kapanganakan upang patuloy na matanggap ang kanilang pensiyon.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *