SC pinagtibay na sakop ng Taguig City ang Fort Bonifacio
Tinuldukan na ng Korte Suprema ang land dispute sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng Makati at Taguig kaugnay sa Fort
Bonifacio Military Reservation kung nasaan ang Bonifacio Global City Complex.
Sa pinal na desisyon, ibinasura ng Supreme Court Special Third Division ang mga
motion for reconsideration na inihain ng Makati City Government.
Ayon sa resolusyon ng dibisyon, sinabi na
natalakay na nito sa naunang ibinabang ruling noong 2021 ang mga isyu na
inilatag ng Makati City sa kanilang apela.
Kaugnay nito, ibinasura rin ng Kataas-taasang Hukuman ang mosyon ng LGU na
iakyat sa SC En Banc ang kaso dahil hindi naman ito appellate court na
maaaring i-apela ang mga ruling ng dibisyon.
Sa mahigit 50-pahinang desisyon ng SC noong December 1, 2021, idineklara
nito na kumpirmadong teritoryo ng Taguig City ang Fort Bonifacio Military
Reservation.
Ayon sa SC, nakumbinsi ito na napatunayan ng Taguig sa mga ebidensya ang claim nito sa Fort Bonifacio.
Partikular na ikinonsidera ng SC sa desisyon nito ang mga historical evidence,
maps, at cadastral surveys.
Moira Encina