Rigodon inanunsyo sa Maximum Security Compound ng BuCor

Sinibak na sa pwesto ang 700 jail guards ng Bureau of Corrections (BuCor) na
nakatalaga sa Maximum Security Compound (MaxSeCom) ng New Bilibid
Prisons (NBP) kasama ang kanilang hepe.

Inanunsyo ni BuCor Director-General Gregorio Catapang Jr. ang desisyon sa
sorpresang turnover at change of command at guard nitong Miyerkules.

Pinalitan ng 300 bagong graduate na guwardiya ang mga inalis na mga
corrections officer.

photo grabbed from PTV

Sinabi ni Catapang na sasailalim sa isang buwang re-training ang mga pinalitang guwardiya.

Pagkatapos ay idi-deploy ang mga ito sa ibang penal colonies ng BuCor sa mga
lalawigan.

Ayon pa kay Catapang, ang ilan sa mga guwardiya sa maximum camp ay hindi
pumapasok at nasa bahay lang at ang ilan ay binaligtad pa ang CCTV camera
na inilagay sa kulungan.

Itinalaga naman bilang bagong superintendent ng MaxSeCom si Corrections
Senior Inspector Purificacion Hari kapalit ni NBP Superintendent at Acting
MaxSeCom Lucio Guevarra.

Naging emosyonal si Hari sa seremonya dahil hindi niya inaasahan na itatalaga
siya para pamunuan ng MaxSeCom.

Umapela naman ang bagong superintendent ng suporta at kooperasyon sa
kaniyang mga kasamahang kawani at opisyal ng BuCor para magampanan ang
kaniyang gampanin.

Ipinakilala at inedorso rin ni Catapang si Hari sa mga lider ng gang sa
MaxSeCom.

Bukod sa 300 bagong guwardiya, itinalaga sa MaxSeCom ang 35 senior
corrections officers mula sa Iwahig Prison and Penal Farm.


Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *