P20M ‘Smuggled’ Electronics nakumpiska ng Customs sa Bulacan

Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang hinihinalang mga smuggled electronics sa isang warehouse facility sa Guiguinto , Bulacan.

Ito ay matapos inspeksyunin ng binuong team ang pasilidad ng ECOM Electronics Reconditioning Services.

Sa pag-inspeksiyon, natuklasan ng Implementing Team ang iba’t ibang mga television na magkakaibang laki, mga makina na ginagamit para sa lamination, mga kahon na ginagamit sa packaging, at raw materials para sa reconditioning at repair.

Tinatayang nagkakahalaga ng P20 million ang mga produkto na nakita sa loob ng warehouse.

Pagkatapos ng inventory, pansamantalang isinara ng Implementing Team ang storage facility sa pamamagitan ng BOC seals at naglagay ng 24/7 duty detail sa mga entrance at exit gates ng warehouse.

Hihingin ng mga awtoridad ng Customs sa mga may-ari ng negosyo ang mga dokumentong nagpapatunay ng importation o proof of payment.

Dahil dito , hinikayat ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio ang lahat ng negosyante na sumunod sa mga regulasyon ng customs at huwag mag-sangkot sa anumang ilegal na aktibidad.

Genycil

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *