Pagpasa sa “Trabaho para sa Bayan” bill, inihirit sa Senado
Umaapela si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa mga kapwa mambabatas na pagtibayin na ang panukalang trabaho para sa bayan.
Ito’y para matugunan ang job mismatch at pagaangin ang proseso para sa paghahanap ng trabaho lalo ng mga bagong nakapagtapos.
Nasa plenaryo na ang Senate Bill no. 2035 na layong pasiglahin ang national at local economic and development sa pamamagitan ng paghahanay ng investment at iba pang mga insentibo.
Sinabi ni Villanueva, may akda ng panukala, na tinitiyak dito ang pagkakaroon ng mabisa at napapanahong paghahatid ng industry-relevant skills training at enhancement programs na naka-linya sa pangangailangan ng labor market.
Bibigyan rin nito ng suporta at insentibo ang mga umiiral at umuusbong na mga negosyo gayundin ang mga employer, industry stakeholder at iba pang organisasyon sa pribadong sektor na nag-aalok ng training, technology, knowledge at skills transfer sa mga bagong manggagawa.
Meanne Corvera