BIR: No extension sa deadline sa pagbabayad ng buwis
Nagbabala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga taxpayers na kailangang mabayaran ang buwis sa bago ang itinakdang deadline sa Lunes, Abril 17, 2023.
Sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na wala nang extension ang paghahain ng Annual Income Tax Return.
Ayon kay Lumagui sinumang hindi magkapagbabayad ng buwis sa itinakdang deadline ay mahaharap sa kaso na may kaakibat na pagpapataw ng interest, surcharges at iba pang compromise penalties.
Sa datos ng BIR, nasa 10% na lamang ng mga individual tax payer ang inaasahan na magpa-file ng kanilang Annual Income Tax Return hanggang Lunes sa mga BIR field office at Electronic Filing Center.
Niliwanag ni Lumagui na kabuuang P1.1 trilyon ang inaasaan ng BIR na makokolekta sa mga tax payer ngayong April deadline na bahagi ng P2.6 trilyong target collection ngayong taon.
Naglabas din ng Bank Bulletin no. 23-02 ang BIR na nagtatakda na dapat magextend ang mga authorized agent banks nang hanggang alas-5 ng hapon at bukas sa araw ng Sabado, April 15, para tanggapin ang tax payment ng mga taypayers.
Vic Somintac