Task Force El Niño binuhay ng DA
Binuhay ng Department of Agriculture (DA) ang Task Force El Niño bilang bahagi ng paghahanda sa nagbabantang kakulangan sa tubig at tagtuyot.
Sa atas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na siya ring kalihim ng DA, ipinahahanda ang over-all plan para baguhin ang mga pamamaraan sa pagkuha ng water supply.
Hangad ng gobyerno na isalba ang mga apektadong lugar sa matinding tag-init sa pamamagitan ng water management.
Kabilang sa mga hakbang na ito ang pagtatayo ng mga imprastraktura para sa pagkakaroon ng hydroelectric power plants, mga flood control projects at irrigation system.
Sa ilalim ng 2023 El Niño Mitigation and Adaptation Plan, magbubuo ang DA ng motion strategies na naglalayong bawasan ang epekto sa agriculture at fishery industries at maibalik ang pagiging produktibo sa mga apektadong lugar.
Batay sa 6 month rainfall forecast data ng state-weather agency PAGASA noong Marso 2022, hindi bababa sa 16 na probinsya sa Central at Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, CARAGA Administrative Region at CALABARZON ang tataaman ng El Niño.
Maaapektuhan naman ng matagal na dry season ang lalawigan ng Quezon.
Sa pagtaya ng PAGASA posibleng magsimula ang El Niño phenomenon sa Hulyo ng taong ito.