Economic sanction, posibleng ipataw ulit ng China sa Pilipinas
Posibleng maulit na patawan ng economic sanction ng China ang Pilipinas kung patuloy na magiging mainit ang isyu ng anila’y pagkiling ng Pilipinas sa Estados Unidos.
Sa panayam ng Net25 TV/Radyo program Ano Sa Palagay Nyo? (ASPN), sinabi ni Aaron Jed Rabena, Research fellow sa Asia-Pacific Pathways to Progress, na ginawa na ito ng China sa Pilipinas noong 2012 sa usapin ng Scarborough shoal.
Hindi lang sa pilipinas kundi maging sa South Korea ay nagpataw ng economic sanction noon ang China nang pahintulutan ang defense missile ng Estados Unidos laban sa North Korea.
Gayunman, kumbinsido si Rabena na kung nalagpasan ito ng Pilipinas noon ay muling malalampasan sakaling maulit sa kasalukuyan.
“Hindi malabong mangyari, nagawa na during the Scarbourough, sa SK nangyari din when they accommodated defense missile against nokor, sanction sokor in terms of investments, trade, tourism. possible in the future (safe to say we survived that) as the pres said independent foreign policy, diversification”.
Naniniwala si Rabena na tama ang naging tugon ni National Security Adviser Eduardo Año nang igiit na wala sa plano ng Pilipinas na panghimasukan ang usapin ng Taiwan.
Sa maraming taon, napatunayan aniya ng Pilipinas na inirerespeto nito ang One-China Policy.
Kaya’t hindi tama na gamitin ang Overseas Filipino Workers na nasa Taiwan para bantaan o takutin ng China ang Pilipinas.
“The broader context is umiinit ang tension, amerikano provoke sa kanila by increasing military , beefing security alliance, ito ang cards ng us to play the taiwan issue, by mentioning the safety, put in bad light, misplaced”.
Weng dela Fuente