Pagharap ni Cong. Teves sa Senate hearing, hinarang ng mga Senador

Hindi pinayagan ng Senate Committee on Public Order na humarap via online sa pagdining nito si Negros Oriental Congressman Arnolfo Teves Jr. sa kaso ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ito ang napagkasunduan ng mga miyembro ng komite matapos ang ipinatawag na meeting ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa, Chairman ng komite, bago ang pagsisimula ng pagdinig.

Sinabi ni dela Rosa na unanimous ang desisyon ng mga miyembro ng komite na huwag paharapin si Teves dahil sa mga isyu ng ligal at hurisdiksyon.

Kabilang sa mga isyung ito ang pagpapanumpa kay Teves na isa sa mga basic requirement para sa mga iniimbitahang resource person.

Problema umano kasi ngayon ang kinaroroonan ni Teves.

Sinabi ni Senador Francis Tolentino, nakapaloob sa rules ng Senado na kung ang isang inimbitahang testigo o resource person ay dapat nasa loob ng isang Embahada ng Pilipinas.

Sa pagdinig ngayong araw dumalo ang kapatid ni Teves na si dating Governor Henry Pryde Teves.

Dumalo rin sa pagdinig sina Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, Interior and Local Government Secretay Benhur Abalos at Chairman George Erwin Garcia ng Commission on Elections (COMELEC).

Humarap din sa pagdinig ang maybahay ni Governor Degamo na si Pamplona Mayor Janice Degamo.

Layon ng pagdinig na busisiin hindi lang ang pamamaslang kay Governor Degamo kundi ang iba pang kaso ng pagpatay na naganap sa Negros Oriental.


Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *