Maynilad may week-long water interruption sa Metro Manila, Cavite
Nagsimula nitong nakaraang Linggo ang week-long water service interruptions sa mga customer ng Maynilad sa ilang bahagi ng Metro Manila at Cavite.
Ang water interruptions ay tatagal hanggang April 22 hanggang April 23 bunsod ng cleaning operations sa pasilidad ng Maynilad sa Putatan, Muntinlupa.
Sa advisory ng Maynilad sa kanilang Facebook page, sinabi nito na “our customers in portions of Bacoor City, Imus City, Las Piñas City, Muntinlupa City, Parañaque City, at Pasay City will have daily water service interruption from April16, 2023 until April 22, 2023 and April 23, 29023, as we complete the ongoing intensified cleaning of filters at the Putatan Water Treatment Plants.
Sa ilang lugar, aabot ang interruptions mula alas-singko ng umaga hanggang bago mag-hatinggabi.
Paliwanag ng Maynilad kailangang i-extend ang oras na kailangan para sa maintenance activities sa Putatan plant kasabay ng pagtiyak sa customers na “normal operations will be restored once the cleaning of the filters is completed.”
Hinikayat naman ng water concessionaire ang mga apektadong customer na mag-ipon ng tubig kung may available na supply.
“Upon resumption of water service, please let the water flow out briefly until it clears”.
Magpapakalat naman ng mobile water tankers ang Maynilad para serbisyuhan ang mga apektadong lugar, bukod pa sa mga itinalagang stationary water tanks.