Kaso ng tigdas tumaas ng 369% sa Q1 ng 2023 – DOH
Patuloy pa rin sa pagtaas ang kaso ng tingdas sa bansa sa unang quarter ng 2023.
Sa kabila ito ng panawagan ng Department of Health (DOH) sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak kontra tigdas.
Sa monitoring ng DOH, mula Enero 1 hanggang Marso 18, 2023, nakapagtala ng 225 kaso ng tigdas sa bansa na mas mataas ng 369% sa 48 lang na naitala sa kaparehong panahon noong 2022.
Habang ang kaso naman ng Rubella o German measles ay umabot sa 14 na kaso ang naitala ngayong taon na mas mataas ng 367% kumpara sa 3 kaso lang noong 2022.
Wala namang naitalang nasawi dahil sa sakit.
Sa datos ng DOH, halos sa lahat ng rehiyon ay tumaas ang mga kaso ng tigdas at Rubella maliban sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na bumaba.
Madelyn Moratillo