Mental health disorder isinulong sa Senado na maisama sa PhilHealth coverage
Isinusulong ni Senador Mark Villar na palawakin sa benepisyong sakop ng PhilHealth ang lahat ng mental health disorder.
Sa Senate Bill no. 2062 o Expanding PhilHealth Coverage Act, nais ni Villar na maisama sa benefit package ang mental health disorders.
Saklaw ng panukala ang emergency services, psychiatric, neurological services at mental health gap action program.
Sa report ng Department of Health (DOH) aabot sa 3.6 milyong Pilipino ang nakakaranas ng mental health issues.
“We should not set aside mental health disorders, it’s affecting a lot of Filipinos,” sabi ni Villar
Sa pag-a-aral naman ng Harvard Humanitarian Initiative Resilient Communities Program, mas magastos ang pagpapagamot at servisyo sa mga nakakaranas ng mental health problem sa Pilipinas.
Sa panukala, maaaring masakop ng programa ang mga menor de edad na nay mental health disorder kahit ang kanilang mga magulang ay hindi miyembro ng PhilHealth.
Meanne Corvera