580 preso pinalaya ng BuCor
Nalagpasan na ng Department of Justice (DOJ) at ng Bureau of Corrections (BuCor) ang target nito na 5,000 inmates na palalayain sa katapusan ng Hulyo ngayong taon.
Ito ang inihayag ni Justice Secretary Crispin Remulla matapos na lumaya nitong Huwebes ang 580 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa iba’t ibang kulungan ng BuCor.
Ang nasabing bilang ng inmates ay ang pinakamaraming bilanggo na pinalaya mula nang simulan ang buwanan at sabayang pagpapalaya ng PDLs ng BuCor sa ilalim ng Marcos administration.
Mula sa nasabing 580 na lumayang preso, 168 ang mula sa New Bilibid Prisons;159 mula sa Davao Prison and Penal Farm; 69 mula sa San Ramon Prison and Penal Farm; 46 mula sa Correctional Institution for Women; 31 sa Leyte Regional Prison; 23 Sablayan Prison and Penal Farm; at 39 sa Iwahig Prison and
Penal Farm.
Pinakamarami sa mga lumayang bilanggo ay dahil sa parole na 353.
Aabot naman sa 61 ang na-acquit o napawalang -sala.
Samantala, iniulat ng Board of Pardons and Parole (BPP) na noong Marso lamang ay naaaprubahan ang parole ng 616 PDLs.
Sinabi ni BPP Chairman Sergio Calizo Jr. na ito ang pinakamarami sa kasaysayan na napalaya dahil sa parole sa loob lamang ng isang buwan.
Moira Encina