Apela ni Senador Poe, magpa-rehistro ng SIM card
Umaapela ni Senador Grace Poe sa publiko na tumugon at iparehistro ang kanilang mga SIM number.
Sa harap ito ng nakatakdang pagtatapos ng pagpapa-rehistro sa mga prepaid SIM cards sa Miyerkules, April 26.
Sinabi ni Poe, chairman ng Senate Committee on Public Services, dapat na magtulungan ang gobyerno at mga telecommunications companies na hikayatin ang lahat ng SIM users na magparehistro.
Nababahala ang senador dahil batay sa report ng Department of Information and Communications Technology (DICT), sa may 168-million na SIM card users, aabot pa lang sa 73.03-million ang magparehistro ng SIM card na katumbas ng 43 percent.
Muli ring tiniyak ng senador na may sapat na safeguards sa batas para protektahan ang personal na impormasyon ng mga SIM card users.
Sinabi ni Poe na dapat “walang goodbye sa SIM number at dapat ay forever na kasama ng bawat indibidwal.”
Meanne Corvera