COVID positivity rate sa NCR umakyat sa 10.6%
Umakyat na sa 10.6% ang 7-day positivity rate ng Metro Manila noong Linggo, April
23, 2023.
Sa independent monitoring ng OCTA Research Group, sinabi ni Dr. Guido David na malaki ag itinaas ng positivity rate kumpara sa 7.3 % na naitala noong April 16.
Ayon kay David mayroon lamang average na 3,120 tests per day ang National Capital Region (NCR).
Noong April 2022, ang ang arawang testing ng Metro Manila ay nasa 11,000.
Bagama’t umakyat ang positivity rate higit sa 5% threshold ng World Health Organization (WHO), nananatili namang mababa ang hospital occupancy na nasa 21%.
Kahapon, April 24, iniulat ng Department of Health na nasa 10.9% ang nationwide positivity rate ng Pilipinas.
Weng dela Fuente