Banchero ng Orlando Magic, napiling NBA Rookie of the Year
Pinangalanan bilang NBA rookie of the year, si Paolo Banchero ng Orlando Magic makaraan ang maningning niyang debut season sa liga.
Si Banchero, na No.1 pick sa draft ng 2022, ay nakakuha ng 98 mula sa 100 first place votes sa preferential ballot upang malaman kung kanino mapupunta ang award.
Ang 20-anyos ay may average na 20 points, 6.9 rebounds at 3.7 assists sa kaniyang unang season at naging pangunahing tauhan sa muling pagbangon ng Orlando.
Agad siyang nagkaroon ng impact sa liga, kung saan nakapuntos siya ng 29 na may siyam na rebounds at limang assists sa una niyang laro para sa Orlando noong Oktubre.
Sinabi ni Banchero sa isang panayam na tinarget na talaga niyang makuha ang rookie of the year, nang makasama siya sa draft.
Aniya, “It was just a goal I’ve always had, something I had my eye on from the second I got drafted. I’m glad I was able to do it.”
Sa kaniyang season ay nakagawa rin si Banchero ng 20 o higit pang puntos sa 40 laro, gaya ng nagawa ni LeBron James sa kaniyang “rookie year.”
Si Banchero ang ika-22 manlalaro na unang napiling makasama sa draft na nanalo ng rookie of the year.
Pumangalawa naman sa botohan para sa awarad, si Jalen Williams ng Oklahoma City, habang pumangatlo naman si Walker Kessler ng Utah Jazz.
© Agence France-Presse