Ground breaking para sa Metro Manila Subway Project underground stations sa Quezon at East Avenue, pinangunahan ng DOTr at JICA
Pinangunahan ng Department of Transportation (DOTr) at Japan International Cooperation Agreement (JICA) ang ground breaking ceremony para sa konstruksyon ng underground stations at tunnel sa Quezon Avenue at East Avenue ng Metro Manila Subway Project.
Ang Metro Manila Subway Project ay may habang 33.1 kilometro mula sa Valenzuela City hanggang Parañaque City na magtatapos sa Food Terminal Incorporated (FTI) sa Taguig City.
Magkakaroon ito ng koneksyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 at may 17 sub-stations.
Sa sandaling maging operationa, maseserbisyuhan ng proyekto ang nasa 519,000 pasahero kada araw.
Sinabi ni Kenji Kuronuma JICA Senior Representative, na ang Metro Manila Subway Project ay isa sa pangunahingproyekto na sinusuportahan ng Japanese government sa Pilipinas.
Ayon kay Kuronuma sa sandaling maging operational ay matitiyak ang ligtas na biyahe sa Metro Manila Subway Project dahil nakabatay ito sa Japanese standard of railway mass transport system.
Inihayag naman ni DOTR Secretary Jaime Bautista na mula ng pasimulan ang pagtatayo ng Metro Manila Subway Project noong 2019 ay tuloy-tuloy ang konstruksiyon hanggang sa matapos.
Pinasalamatan ni Bautista ang Japanese government at JICA dahil sa pagbibigay ng buong suporta kaya magkakaroon na ng kauna-unahang subway railway transport system ang bansa.
Vic Somintac