Cope Thunder Exercise, muling binuhay ng Pilipinas at Amerika
Binuhay ng Philippine at United States air forces ang Cope Thunder joint exercise makalipas ang 23 taon mula noong 1991.
Sa statement ng Pacific Air Forces Public Affairs, sinabi na nakatakda ang Cope Thunder joint exercise mula May 1 hanggang May 12, 2023.
“It provides a unique opportunity to integrate forces and improve interoperability between the Philippines and the United States,” saad sa statement.
Ito ang magiging kauna-unahang iteration ng Cope Thunder sa Pilipinas mula noong 1990.
Isasagawa ang opening ng Cope Thunder sa Clark Air Force Base at kakatampukan ng kasanayan sa primary flight operations.
Layon ng Cope Thunder na magkaloob ng bilateral fighter training sa air forces ng dalawang bansa at pagbutihin ang kanilang combined interoperability.
Tinatayang nasa 160 US Air Force members ang lilipad at susuporta sa higit 12 aircraft mula sa 35 Fighter Wing, Misawa Air Base sa Japan para sa pagsasanay.
Habang isinasagawa ang pagsasanay, magpapalitan naman ng taktika, techniques at procedures ang Armed Forces of the Philippines (AFP) personnel habang pinaghuhusay ang interoperability.
Taong 1976 nang simulant ang Cope Thunder, at ayon sa Pacific Air Forces Public Affairs, inilipat ito sa Eielson Air Force Base sa Alaska noong 1992 at pinangalanang Red Flag Alaska.
Orihinal itong nasa Clark Air Base sa Pilipinas pero inilipat sa Eielson noong 1992 matapos ang pagputok ng Mt. Pinatubo kaya’t nabalam ang operasyon.
Bukod dito, ibinasura rin ng Senado ng Pilipinas ang pagpapalawig pa sa US base lease sa bansa noong 1991.
Weng dela Fuente