PBBM inamin ang pag-abuso sa drug war campaign ng Duterte administration
Aminado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagkaroon ng pag-abuso ang war on drugs ng sinundang administrasyon na nagresulta sa higit na paglago ng mga sindikato sa droga.
Sa kaniyang pagharap sa forum na inorganisa ng Center for Strategic and International Studies (CSIS) sinabi ni Pangulong Marcos na natuon ang kampanya ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa law enforcement.
“In my view what had happened in the previous administration is that we focused very much on enforcement. And because of that, it could be said that there are abuses by certain elements in the government and that has caused some concern with many, in many quarters about the human rights situation in the Philippines,” paglilinaw ni Pangulong Marcos.
Sabi ni Pangulong Marcos hindi niya kayang sabihin kung ano ang nasa isip ni dating Pangulong Duterte ngunit ang illegal drugs ang isa pa ring pangunahing sanhi ng kriminalidad sa Pilipinas.
Dagdag pa ng Pangulo na ang mga sindikato sa droga ay higit na lumago at yumaman at mas ma-impluwensya.
“Instead of going after everyone, I tried to identify the key areas that we have to tackle, attend to so that we can see a diminution of the activities of the drug syndicates,” dagdag na pahayag ng Chief Executive.
Sa pagharap sa mga kagawad ng media bago tumulak patungong United Kingdom para sa coronation ni King Charles III, sinabi ni Pangulong Marcos na wala siya sa posisyon para i-assess ang drug campaign ng sinundang administrasyon.
“I’m in no position to assess the administration of anybody else. That is not proper for me, that is not a proper role for me to take,” paliwanag pa ni Marcos.
Pero sa ngayon ay nakatuon aniya ang administrasyon sa rehabilitasyon para sawatain ang illegal drugs.
Pinagbitiw din aniya ang matataas na opisyal ng Philippine National Police para matukoy kung sino ang may kaugnayan sa illegal drugs.
“So, the change in policy, I believe is much more focused. I always say that the previous administration was focused on enforcement. We have taken enforcement as far as we can,” paliwanag pa ni Marcos.
Weng dela Fuente