Pagsigla sa ekonomiya ng Pilipinas inaasahan sa pag-a-alis ng WHO sa COVID global health emergency
Umaasa si House Speaker Martin Romualdez sa pagsigla ng mga aktibigad para sa ekonomiya kasunod ng deklarasyon ng World Health Organization (WHO) na nag-a-alissa COVID-19 global health emergency.
Sinabi ni Speaker Romualdez na ang hakbang ng WHO ay patunay na nagtagumpay ang mga bansa sa buong mundo, kasama angPilipinas, sa pagbaka sa COVID-19 bagama’t nanatili pa rin itong banta sa kalusugan ng publiko.
“The decision shows that countries around the globe, including thePhilippines, have succeeded through collaborative effort in fightingthe highly infectious novel coronavirus and its variants, though they remain a threat to public health,” dagdag na pahayag ng Speaker.
Sinabi ni Romualdez na dahil wala na ang mga restrictions makakagalaw na ang publiko at sisigla pang lalo ang mga economic activities na magbibigay daan sa mas maraming trabaho at oportunidad upang magkaroon ng dagdag na kita ang mga manggagawa at kanilang pamilya.
“Lifting of the global health emergency should pave the way for us to sustain our economic growth or even take the economy to a higher growth path for the benefit of our people, especially the poor,” sinabi pa ni Romualdez.
Hinikayat din ng Speaker ang Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) nai-adjust o i-ayon ang minimum health protocols ng Pilipinas alinsunod sa desisyon ng WHO.
Pinaghahanda rin ng mambabatas ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan sa inaasahang pagdami ng mga turistang bibisita sa bansa kung saan makikinabang ang mga tourist destinations at mga local na komunidad.
“Let the concerned government agencies and sectors of the economy prepare for this possibility, which will benefit tourist destinations and local communities,” paliwanag pa ng Speaker.
Pinayuhan naman ni Romualdez ang mamamayan na patuloy pa ring mag-ingat sa pamamagitan ng pagsusuot ng face mask kung kinakailangan, palaging paghuhugas ng kamay, pagsasagawa ng physical distancing, isolation kung may sakit at pagpapabakuna.
“I think our people have learned to live with the virus. Though there is no wear-face-mask mandate, many of them continue to wear mask and observe physical distancing. They are aware of the residual threat andthey are not letting their guard down,” paliwanag pa ni Romualdez.
Vic Somintac