COMELEC pabor para sa maagang pagboto ng vulnerable sectors

Suportado ng Commission on Elections (COMELEC) ang inihaing panukala sa Kamara para sa Early Voting ng mga Senior Citizens, Persons with Disabilities, Human Resources for Health at mga abogado.

Sa isang pahayag, sinabi ni Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco na hindi man umabot ang nasabing panulala sa darating NA October 30, 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ay may aasahan pa rin ang mga kababayang nasa vulnerable sector.

Gayunman, hihingi ng paglilinaw ang poll body sa Kongreso sa probisyon ng panukala na nagtatakda ng pagsasagawa ng nationwide registration para rito.

Paliwanag ni Laudiangco, ang registration na tinutukoy sa panukala ay para sa “manifestation of intent to avail of Early Voting”.

Sa ilalim kasi aniya ng Republic Act 8189 o Voters Registration Act, ang katagang “registration” ay patungkol sa pagrehistro bilang botante at ang registration period para rito ay tapos na.

Sa ilalim kasi ng batas ang voter’s registration ay dapat na 120 araw bago ang halalan.

Humiling rin ng karagdagang pondo ang Comelec para sa pagtatalaga ng Voting Centers bukod pa sa mga paaralan.

Ang mas mahabang panahon kasi aniya ng botohan para sa mga sektor na nabanggit ay maaring magdulot ng malaking abala sa mga mag aaral.

Idagdag pa umano ang training ng mas maraming guro na magsisilbi bilang Electoral Boards.


Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *