Marcos govt hindi tumitigil para iapela ang kaso ni Mary Jane Veloso
Hindi tumitigil ang gobyerno ng Pilipinas na i-apela ang kaso ng Pinay drug convict sa Indonesia na si Mary Jane Veloso.
Sa ambush interview sa Indonesia, tinanong si Pangulong Ferdinand Marcos kung tatalakayin niya ang isyu kung may pagkakataong maka-usap si Indonesian President Joko Widodo.
“We haven’t really stopped… The impasse is we continue to ask for a commutation or even a pardon and extradition pa to the Philippines. That is constantly there,” paliwanag ni Pangulong Marcos.
Noong nakaraang Setyembre, hiniling ng Department of Foreign Affairs sa Indonesia na mabigyan ng clemency si Veloso.
Gayunman, hindi ito pinagtibay ng Indonesia.
“The answer of the Indonesian government is that this is the law, ito ang batas sa Indonesia kaya’t kailangan nating ipatupad yan,” pahayag pa ng Pangulo.
Gayunman, hindi aniya tumitigil ang gobyerno sa isyu ni Veloso kahit pa naipagpaliban na ang nakatakdang pagbitay sa convicted Pinay mule.
“They’ve already given us postponement… but that doesn’t mean its done, I always, I always at least bring it up, baka sakali, baka sakali na magbago,” dagdag na pahayag ng Chief Executive.
Sa ngayon ganun ang mga position natin, we understand that she’s convicted, we understand the law in Indoneia, but nonetheless hanap tayo ng paraan, iuwi na lang namin yan, kami na lang magpaparusa sa kaniya,
2010 pa nang mahatulan ng parusang bitay si Veloso sa Indonesia matapos ma-convict sa drug trafficking matapos mahulihan ng 2.6 kilo ng heroin sa Yogyakarta, Indonesia.
Weng dela Fuente