Cong. Teves mahaharap sa karagdagang sanction ng Kamara
Mahaharap sa panibagong disciplinary action ng Kamara si Negros Oriental Congressman Arnolfo Teves Jr. kung patuloy itong tatangging umuwi sa Pilipinas matapos ang 60-day suspension order laban sa kaniya.
May 12-araw na lamang ang nalalabi sa ipinataw na suspension order ng House Ethics Committee laban kay Teves at kailangan na itong mag-report sa Kongreso para tugunan ang kaniyang legislative duty.
Muling magpupulong ang panel na pinamumunuan ni Congressman Felimon Espares para talakayin ang posibleng karagdagang sanction laban kay Teves.
Sinuspinde si Teves dahil sa kasong disorderly behavior matapos bigong bumalik sa bansa mula sa kaniyang medical leave sa Estados Unidos dahil sa aniya’y pangamba sa kaniyang buhay matapos isangkot sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez, kakailanganing patawan ng panibagong disciplinary action si Teves kung patuloy na tatangging umuwi sa bansa.
“Should Cong. Arnie continue to defy the return to work order after the lapse of the 60-day period of his suspension, the House Committee on Ethics and Privileges may be constrained to reconvene and consider another possible disciplinary action against him,” ayon sa statement ni Speaker Romualdez.
“This is our recourse in order to preserve the dignity, integrity and reputation of the House of Representatives,” pagdidiin pa ng Speaker.
Hinikayat ni Romualdez si Teves na harapin ang mga alegasyon laban sa kaniya.
“I discourage any attempt by our colleague, Cong. Arnie, to seek refuge in other country and abandon his sworn duty to serve as Member of the House of Representatives,” pahayag pa ng Speaker.
“Rather than evade investigation by Philippine law enforcement agencies, Cong. Arnie should return home immediately and face the accusation against him,” payo pa ni Romualdez kay Teves.
“I had repeatedly assured him that the House of Representatives will secure his personal safety upon his return to the Philippines,” dagdag na pahayag ng mambabatas.
Paglilinaw pa ni Romualdez, hindi magagamit ni Teves ang kaniyang parliamentary immunity bilang miyembro ng 19th Congress dahil hindi maaaring gamitin ang nasabing karapatan sa criminal liability.
Sa report ng Department of Foreign Affairs (DFA), humihingi ng political asylum si Teves sa Timor Leste na ibinasura naman ng nasabing bansa.
Binigyan din ito ng 5-araw para lisanin ang bansa.
Vic Somintac