Coast Guard minarkahan ng navigational buoys ang mga teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea
Pinagtibay ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pag-aangkin ng bansa sa mga lugar na sakop ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).
Sa pamamagitan ito ng paglalagay ng limang navigational buoys sa ilang kritikal na lugar sa WPS, at bawat isa ay nagtataglay ng bandila ng Pilipinas.
Ang instalasyon ng mga buoys ay isinagawa mula May 10 hanggang 12.
Sa isang tweet ni PCG-WPS Spokesperson Commodore Jay Tarriela, sinabi niyang ang mga navigational buoys ay inilagay ng Task Force Kaligtasan sa Karagatan sa Patag Island, Balagtas Reef, Kota Island, Panata Island at Juan Felipe Reef.
“The installation of these buoys, adorned with the Phlippine flag, signifies the country’s sovereign rights and jurisdiction over the Exclusive Economic Zone (EEZ),” naka-saad sa tweet ni Tarriela.
“This move highlights the Philippines’ unwavering resolve to protect its maritime borders and resources and contribute to the safety of maritime trade,” dagdag na pahayag pa ni Tarriela.
Mayo din noong nakaraang taon nang unang mag-set up ng buoys ang PCG sa Lawak, Likas, Parola, at Pag-asa island para markahan ang territorial waters ng Pilipinas at maging gabay din sa mga marino na dumadaan sa lugar.
Madelyn Moratillo