PNP naghahanda na para sa BSKE sa Oktubre
Puspusan ang paghahanda ng Philippine National Police (PNP) para sa gagawing Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.
Nitong nakaraang linggo, nagpulong na ang Commission on Elections (COMELEC) Committee on the Ban on Firearm and Security Concerns na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Isa sa tinalakay ang implementasyon ng gun ban na magsisimula sa Agosto 28 hanggang November 29.
Kasabay sa implementasyon ng election gun ban ang pagsisimula ng election period at paghahain ng certificate of candicacy (COC).
“45 days before the election and after the election yun, kapag pumasok yung tinatawag nating election period, definitely ‘yung ating PTCFOR [permit to carry firearms outside residence] ay i-iimplement,” paliwanag ni Police Colonel Jean Fajardo, PNP Spokesperson sa panayam ng mga mamamahayag.
“Only yung mga uniformed personnel and other personnel allowed under the law will be allowed their firearms outside their residence and places of business,” dagdag pa ng opisyal.
Sa loob ng 90-araw ipagbabawal din ang paggamit ng mga bodyguard at security personnel ng mga kandidato ng walang permiso mula sa COMELEC.
Patuloy naman ang isinasagawang assessment sa mga lugar na maaaring ikonsidera bilang election areas of concern.
Samantala, binisita ni PNP Chief General Benjamin Acorda ang Regional Office ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para saksihan ang pagsuko ng 50-miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Sinabi ng PNP chief na malaking hakbang ito tungo sa kapayapaan at kaayusan sa BARMM lalo na at nalalapit ang BSKE sa Oktubre 30.
Kasalasan na mas mainit ang sitwasyon sa local elections.
“This early ay nagprepare ang PNP including the other security forces to make sure all risk factors will be determined as early as now, so that yung mga best practices and other police strategies to ensure na magkakaroon tayo ng safe and secure elections,” pahayag pa ni Col. Fajardo.
Mar Gabriel