Canadian foreign minister bibisita sa Pilipinas sa May 18-21
Dadating sa bansa para makipagpulong kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo si Canadian Foreign Minister Mélanie Joly sa May 19, 2023.
Magsasagawa ng 4-day visit sa bansa ang Canadian foreign minister mula May 18 hanggang 21 bilang bahagi ng preparasyon sa ika-75 anibersaryo ng bilateral ties sa pagitan ng Canada at Pilipinas.
Inaasahang tatalakayin sa bilateral meeting ng dalawang opisyal ang pina-igting na trade and investment ng dalawang bansa, mga development sa West Philippine sea (WPS), at kooperasyon sa enerhiya, depensa at maritime sectors.
Ang pagbisita sa bansa ni Joly ay ang ika-apat mula sa cabinet minister ng Canada sa ilalim ng Marcos government.
Tiwala si Secretary Manalo na ang pagtungo sa bansa ni Joly ay lalong magpapatibay sa mayaman na pagkakaibang ng dalawang nasyon.
“I welcome Foreign Minister Joly’s visit to the Philippines as an avenue to deepen our two countries’ collaboration based on our shared values, including democracy and adherence to a rules-based international order,” pahayag ni Sec. Manalo sa isang statement.
“The Philippines and Canada’s continued cooperation shows how partnerships based on those shared values can withstand numerous challenges and obstacles. I look forward to discussing matters of mutual interest and benefit to our countries and i am optimistic that this meeting can build on our nations’ rich and storied friendship,” dagdag pa ng DFA chief.
Moira Encina