RT-PCR test ng RITM balik na – DOH
Balik na sa pagsasagawa ng Real-Time Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) testing ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Sa isang pahayag sinabi ng Department of Health (DOH), naresolba na ang isyu ukol sa License to Operate ng RITM para magsagawa ng RT-PCR Testing para sa COVID-19.
Sinabi ng DOH na naisumite na ng RITM ang mga kinakailangang dokumento patungkol rito.
Tiniyak ng DOH na patuloy na magbibigay ng healthcare services ang RITM sa publiko.
Kahapon, una ng inanunsyo ng RITM na itinigil muna nila ang pagsasagawa ng RT PCR testing maging ang kanilang Online Appointment portal, at pagtanggap ng mga specimen para sa COVID-19 testing at lahat ng kumpirmadong COVID-19 test appointment na naka-schedule hanggang sa mga susunod na araw.
Madelyn Moratillo